Pages

Subscribe

5/4/13

Starmobile Diamond : Not Your Typical Gadget Review

Last week I was able to get my hands on the Starmobile Diamond. I bought it for 9,990php at MemoXpress SM Sta. Rosa, Laguna. I originally wanted the Cherry Mobile Omega HD but since mas mailap pa sa Ibong Adarna ang stocks ng model na yun ng Cherry Mobile, I decided to buy the Starmobile Diamond instead. After all, same specs lang naman sila halos.


Starmobile Diamond specs:
5.0-inch IPS LCD display @ 720×1280 pixel, 293ppi
Dragontrail Glass display
1.0GHz dual-core MediaTek MT6577H processor
PowerVR SGX531 GPU
1GB RAM
4GB internal storage
up to 32GB via miroSD card (8GB included free)
WiFi 802.11 b/g/n
3G/HSDPA 7.2Mbps
Dual-SIM, Dual-Standby
Bluetooth 2.1
GPS w/ aGPS
12MP rear camera, BSI w/ dual LED flash
3MP front-facing camera
Li-Ion 2,000mAh battery
Android 4.1 Jellybean

Pang 6th day na namin magkasama ni Diamond and so far, satisfied naman ako sa kanya. I'm an average smartphone user. Meaning, hindi ako mahilig mag-tweak masyado ng phones, I don't run benchmark tests, I don't lose sleep about low Antutu scores, etc. I look at the specs before buying these phones at hanggang dun na lang ang pagiging techie ko. hehe

'Nung binili ko to, may kasama na syang free screen protector at 8gb micro sd memory card. Take note nga pala na kasama dapat sa package yan kapag bumili kayo ng SM Diamond. Yung una kasi naming napuntahan na store wala daw kasamang screen protector at memory card yung unit nila. So sabi ko, ano ko bale? Walkout ang drama ko sa store nila at naghanap kami ng ibang store na kumpleto sa freebies--sa MemoXpress ako nakabili.

Anyway, one of the things I love about this phone is the 12MP rear camera, BSI w/ dual LED flash. Hindi ko knows yang BSI BSI na yan but I read that it improves the quality of the photos taken by the camera. And I think effective naman sya dahil magaganda nga ang quality ng photos ng phone na itey.  I used to own a Samsung Galaxy S Advance (5mp cam) at kung ico-compare yung photos na kinuha kapag gabi, low light, mas maganda talaga kuha nitong Diamond. The front camera is impressive, too. 3mp ang peg nya at super linaw din ng photos. Bagay na bagay sa mga mahilig kumuha ng selfie at yung mga mahilig mag-video calls sa Skype. Eto ang sample photos taken by the Starmobile Diamond rear camera.

HDR on
Normal Shot

Sa screen display, wala akong masabi. Para ka lang naka-Samsung na AMOLED ang display. Ganun siya kaganda. Viewing angles okay din. Touch responsiveness, okay lang. May issue lang ako sa back key ng phone ko kasi kapag left thumb ang ginagamit ko to press, kapag one hand operation, hindi sya nagre-respond. (EDIT: Nagre-respond lang sya kapag right thumb ang ginagamit ko to press) Pero nun pinatingin ko sa store na pinagbilhan ko, okay naman nung si kuya ang nagpress. Ibig sabihin masyado lang mataba yung palad ko kaya lumalapat dun sa screen kapag pine-press ko yung back key with my left thumb. :( Pero winner talaga sya pag nanonood ka ng HD videos sa Youtube. Just make sure na mabilis ang wifi connection mo para hindi paputol-putol ang stream mo kasi hindi na kasalanan ni Diamond yun, okay?

Nabonggahan din ako sa Dragontrail glass display nito. Scratch resistant daw at splash proof. Although wala pa kong lakas ng loob testingin yan, maganda na rin na may ganyan siyang feature para iwas gasgas at liquid damage ang screen in the future. Di mo din masasabi baka mamaya biglang topakin ang pusa nyo at maisipan mag-gangnam style sa screen mo o kaya mapadpad ka sa San Juan pag fiesta at mabuhusan ka ng tubig habang nagte-text sa daan. Iba na yung sigurado, di ba?

Mabilis ang wifi nito. Ewan kung guni-guni ko lang o ano pero yung SGSA ko dati medyo mabagal mag-download. Same wifi/modem/network lang ginamit dito sa bahay pero feel na feel ko talaga na mas mabilis magload ang pages at magdownload sa SM Diamond.

Pagdating naman sa games, kering-keri nya ang Candy Crush, Subway Surfers at Dead Trigger. Yan lang ang games na trip ko kaya yan lang ang naka-install dito kay SM Diamond ko ngayon.

Sa touch response, okay naman. May slight lag pero sa sobrang pagka-slight, di mo na masyado mapapansin. Kung mega OC ka naman, bumili ka na lang ng mahalia jackson na phone para wala kang angal sa touch response.

Ang di ko lang type sa phone na to:

1. Masyado malaki (Oo kasalanan ko kasi ito binili ko lol). Medyo mahirap pag one-hand operation lalo na kung maliit ang kamay at punggok ang fingers mo. Not that I'm saying na punggok ang fingers ko...

2. Medyo matagal ang charging time. Ang sabi sakin nun sales clerk dun sa pinagbilihan ko, 4 hours daw ang initial charging time. Aba inabot na ng 6 hours bago sya nag-fully charged. After a few days medyo nag-improve naman yung charging time. Nasa 3-4hours na lang. Kung wala ka naman time maghintay ng ganun katagal sa pagcha-charge, ang sabi nila (sabi lang ng mga techie kong ka-SM Diamond friends sa FB group namin) pwede daw bumili at gumamit ng ibang chargers from other well-known mobile phone brands. NOTE: Hindi ko pa nasusubukan personally yan kaya walang sisihan kapag biglang lumiyab ang phone nyo kapag sinubukan nyo. #jokelungs

3. Wala pang available na jelly case/leather case. Coming soon pa daw sabi sa official Starmobile FB page.

4. Ang corny lang ng headset na kasama sa package. Di ko type. Mabuti pang bumili na lang ng earphones na branded. Not sure though kung compatible yung headset ng ibang brands.

Conclusion:

For its price na 9,990php, masasabi ko na sulit naman ang Starmobile Diamond specs-wise and performance-wise. Sa unang tingin parang Samsung Grand sya. Hindi mo aakalain na may local phone brands tayo na makakapag-produce ng ganito kagandang phone (kahit na rebrand lang sya na I-mobile Iq4). Wag ka lang magpaka-OA at mag-expect ng mala-S4 na features/performance kasi hongloyoooo naman talaga nila.

Hindi din ako nagsisisi na nag-shell out ako ng extra 2k sa phone na to kumpara sa Cherry Mobile Omega HD kasi marami ang nagsasabi at nagpatunay na mas maganda daw ang after sales service ng Starmobile compared sa Cherry Mobile. So the extra 2k for my peace of mind is bearable. The phone performs well. It has a lot of features that you would normally find in more expensive and high-end phones. I can say that Starmobile Diamond is one of the best android phones produced by a local brand in the market today.


DISCLAIMER: This is not a paid/sponsored review (I wish! lol). I would love to do a Cherry Mobile  Omega HD vs. Starmobile Diamond honest to goodness comparison in the future kapag meron na din akong CM OHD.

0 comments:

Post a Comment

Your Ad Here